ganito yan... apat kaming magkakapatid... lahat lalaki salamat nalang at walang tagilid. pangalawa ako sa matatanda at ang aking ikkwento ay tungkol sa sumunod nakapatid ko... isa lang ang agwat namin sa edad.
ito na... simula nung bata kami, takot ako makipag away dahil hindi ako marunong at masasaktan lang katawan ko... takot ako sa kapatid kong sumunod sakin pag dating sa away... sa araw araw na ginawa ng diyos ay halos walang araw na hindi kami nag sasalpukan, talo ako noon inaamin ko sa kadahilanan nga na hindi ako marunong makipag away... at kapag pinatulan ko naman ay ako parin ang talo, palaging sinasabi ng nanay ko sakin "EJ, MAS MATANDA KA, DAPAT IKAW YUNG MAGING HALIMABAWA SA KAPATID MO PAGBIGYAN MO NALANG" aba eh tama ba yun? eh kung patayin ako nun? edi lumaki ulo? natuwa at nag painom pa? anyway, sa ngayon mas tumanda na kami, ganun parin ang proseso at takbo ng buhay namin magkapatid... hindi naman halos ganoong katulad nung bata pa kami, minsan nagkakasundo kami sa mga pagkakataong masaya naman ang pinaguusapan pero hindi kami kadalasan nag uusap ng maayos... kung pwede lang makaunawa ng salita yan, matagal na ako natutuwa at baka naging bestfriend ko pa diba? ang kapatid ko ay tipong malakas mampikon! hindi ka naman nya kelangang asarin eh gagawin parin nya?! nakanamputs naman diba? ginagawa parin nya yun at walang tigil yan kapag nang aasar... simula noon ay tumatakbo sa isip ko kung normal ba na tao to oh abnormal na tao to? mahirap din kasi siyang tanchahin sa ugali... hindi mahuli ang gutsto't hindi. masasabi kong ALIEN siya dito sa aming magkakapatid... hindi ako nanlalait ngunit yun ang tumatakbo sa isipan ko... kung pwede lang makipag palitan ng kapatid bakit hindi? kung pwede lang ibenta ginawa ko na... sa kasalukuyan ang tingin ko naman sa kanya ay isang "HARI o PRINSIPE" hindi siya marunong mag linis ng sariling kwarto hindi din siya marunong mag hugas ng sariling pinggan, at yung pinagkainan pa nya ay iiimbak nya lang kung san nya pinatumba ang plato... siya rin ang pinakamaingay sa bahay, kapag hindi kinakailangan ay gagawin parin... hindi ko alam kung may sakit tlaga, kadalasan ay papansin (ADHD)
Attention-deficit hyperactivity disorder - lahat ng paraan ay gagawin para lang pansinin... for short ay "PAPANSIN"
gusto ko ring ipagpalagi ang aking pag dadasal upang mangyari lang ang kagustuhan ko...
MAGING NORMAL LANG ANG KAPATID KO... katulad ng iba ay nagiging ka close pa...
ito ang masaklap jan... kailangan na talaga ng dahas para lang tumino kahit 1% lang kada buwan... matutuwa na ako nun... hintayin ko nalang mag 100% para kulang nalang mag seminaryo na ang kumag na to...
sige hanggang dito nalang muna, abangan nalang natin ang susunod na kabanata... maraming salamat sainyong oras ng pakikipag salamuha...

No comments:
Post a Comment