Lahat naman tayo ay merong kanya-kanyang pananaw sa buhay diba? kaya meron tayong iba't ibang kina-aadikan sa buhay... sumasang ayon ba kayo na lahat ng tao ay merong pinag aadikan sa buhay? kung OO tama totoo yan... kung HINDI, bahala ka sa buhay mong lintek ka hindi ka tao!
kung mamarapating tignan nalang ang mga bawat miyembro ng iyong tropa, makikita mo namang iba't ibang ugali meron sila diba? katulad nalang ng mga mapupungay ang mata... eh kelangan pa bang sabihin kung anong pinag aadikan nun? sa mukha kung tisoy eh blooming yun... kadalasan red horse ang tirada... dun mo rin minsan mababase ang ugali ng isang tao... tulad nalang sa lipunan, kung ano ang kinalakihan yun din ang adikan... tama ba ako? kung san ka magaling, dun ka nanggaling...
minsan ako'y tumingin sa paligid, nakakita ako ng mga taong maiitim at punong puno ng palamuti sa katawan... mga damit ay akala mo'y galing pa sa ninuno... sila ang mga gangster ng pilipinas... diba kung titignan mo naman sila eh iisa lang ang laman ng utak? adikan sa alak, babae, sugal, chongke, baril, pera, at kilala sila bilang panimula ng gulo... yun ay adik sa pakikipag sabak...
sa mga konyo, tignan mo... adik din yan kung hindi ako nagkakamali... makikita mo sila sa mall eh kadalasan mong mapapansin magkakamuka na... diba? ibig sabihin adik din sa pormahan yan malamang hindi magpapatalo yan pag may nakitang mas masikip ang suot kesa sakanya o mas pogi sakanya ang isa... hindi mapipigilang bumili ng mga damit na katulad nung nakita nya... o kaya mga pabango kung may naamoy na mas mabango bibilin agad... (napansin ko lang)
o ito, ang mga adik mga lulong sa droga... meron din iba't ibang tirada ang mga adik sa droga... mapapansin natin mga snatcher, hold upper, akyat bahay, o yung mga may gamit na binebenta nalang para makatikim lang ulit ng kagustuhan... mapapansin mo rin na sobrang mura ng bentahin nila sa mga gamit offer sayo mga 30% lang ng presyo o mas bababa pa... sabihin na nating astig dahil nakabili ka ng mura, pero para sakanila eh.... sobrang saya na nila nun... ayun ang tinatawag na tunay na ADIK.
subukan nyo rin ang paglilibot ng mata't bigyang pansin ang mga kakaiba at makukuha nyo kung ano ang nababasa ko...
maraming salamat po, EJ Lorenzana po!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment