nag simula noon nung HS ay nakilala ko ang aking mga unang tropa... dun ko nasubukan ang mga bisyo at dun din ako nagloko sa pag aaral, madalas ay nag cut kami noon... sa kasamaang palad ako ay nag repeat dahil sa aking mga katarantaduhang trabaho sa loob at labas ng iskwelahan... mapa computer at iba pang bisyong positibong gawin ng indibidwal na estudyante... sa mga lumipas na taon, natuto din ako kung paano mang-chicks ika nga naman ng ibang lalaki ay kasama sa pagtanda ang mga rutinang mga iyon... nasanay din ako sa pagsabak sa gera (mga suntukan, away bata) at ang kinatutuwa ko doon sa mga aking nagawang kalokohan ay napalawak ko ang aking mga talento... maliban sa computer games ay gumaling din ako sa paglalaro ng bilyar, basket ball, drawing, at higit sa lahat ay gumasta nang gumasta...
Haaay sa wakas, natapos na rin ang HS dumaan na ako sa iba't-ibang proseso sa buhay... ito nanaman po ang panibagong yugto ng buhay, ang kolehiyo... aaminin ko, naging magaling ako sa MATH pero saglitan lang, kasama kasi yun sa pinaka ayaw kong subject (sorry sa mga nasabihan kong fave. ko yun). ang aking unang pinapangarap na kurso ay "architect" yun nga lang sabi ng mga mas nakakatanda sakin, "more on math" PUTIK!!!! AYOKO NA!!!! pumili ako ng panibagong kurso, yun naman ay "fine arts" naku... parang swak sa ugali at kagustuhan ko to... pero MAY MATH PARIN!!!!!!! Tangke ng gas! Vacuum! Bedsheet! Pautang lima! Pusang inamoy!... pero okay naman ang nakuha ko, dito rin ako nakahanap ng mga katulad ko, besides sa dawing, nagkakasundo kaming lahat sa kulitan... nakilala ko ang mga kaugali, ngunit may bilang parin sa mga KJ, halos mga hindi ko makausap, iba ang trip, iba ang itsura, tawagin nalang natin silang mga "TIP" (taga ibang planeta) siguro impressions ko lang to... sana dumating ang araw na mas dumami pa ang aming troops at makilala pa ang iba ng husto...
ABANGAN ANG SUSUNOD SA SUSUNOD NA KABANATA.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment